Ang kapana-panabik na pakikipagsapalaran ni Ederlyn
February 25, 2007Nitong nakalipas na taon, naging madalas na tambay sa inbox ng mga texter ang isang misteryosang babaeng nagngangalang Ederlyn. Ayon sa mga texter, nagsimula ang lahat sa ganitong text message:
Ui, invited daw tayo
sa birthday ni Ederlyn bukas.
kita kita na lang tayo dun.
text text na lang. - Ace
Sino ba yun? Kilala mo?
Finorward lang sa kin eh! hehe! Continue reading Ang kapana-panabik na pakikipagsapalaran ni Ederlyn…
Kayo naman
February 11, 2007Para sa “Person of the Year” issue ng Time magazine sa nakalipas na taong 2006, isang pirasong Mylar ang inilagay ng mga patnugot nito sa pabalat ng kanilang babasahin. Parang salamin ang Mylar–isang uri ng plastic–kaya’t kapag tiningnan mo ito, makikita mo ang iyong sarili.
Ang napili kasi ng Time na Person of the Year ay ang mga mambabasa nilang aktibo sa Internet. Sila yung mga blogger, mga gumagamit at naglalagay ng content sa YouTube, MySpace, Friendster, Wikipedia, at iba pang websites. Dahil daw kanila, o sa atin—itinuturing ko ang sarili kong kasali sa Time Person of the Year dahil ako ay blogger at magko-contribure rin sa YouTube at iba pang katulad na websites—naipakita sa mundo ang pagtutulungan at sama-samang pagbuo ng nilalaman ng bagong World Wide Web. Continue reading Kayo naman…