Kabataan at halalan
May 27, 2007Ka-chat ko kagabi ang isang twenty-something na bagong contributor ng Tinig.com, ang aking online magazine. Tungkol sa pakikisangkot sa halalan ang artikulong ipinasa niya sa amin. Ganito ang bahagi ng isinulat niya: “Sabi ko sa sarili ko, di na ako magiging pipi at bingi. Hindi na ako magpapadala sa sulsol ng ibang tao. Susundin ko ang aking konsensya sa pagpili ng karapat-dapat na iluklok sa halalan.”
Habang nagcha-chat kami, malungkot na ikinuwento rin niya sa akin na laganap ang bilihan ng boto sa kanilang lugar. Sa kabila nito, nakakatuwang malaman na kahit naba-bad trip sa ganitong kalakaran, nakiisa at lumahok pa rin siya sa eleksyon. Tumulong pa nga siya sa kampanya ng pinaniniwalaan niyang kandidato. Continue reading Kabataan at halalan…
Panahon na naman
May 13, 2007Panahon na naman ng eleksiyon at tumataas ang tensiyon. Habang isinusulat ito rito sa Pilipinas, ilang araw na lamang at muling daragsa sa mga paaralan ang mga mamamayan upang ihalal ang mga nais nilang mamumo sa ating pamahalaan.
At hindi lamang mga Pilipino sa Pilipinas ang makakaboto. Dahil sa absentee voting law, pati ang mga overseas Filipino workers (OFW), mga mandaragat na Pinoy, at migranteng Pilipino ay puwede nang bomoto. Mahigit kalahating milyon ang overseas absentee voters ngayong taon. Kasali ba kayo sa kanila? Kasali man o hindi, hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo ang iba’t ibang eksena tuwing eleksiyon dito sa ating bayan. Continue reading Panahon na naman…