Titik ni Ederic

Obama at People Power
US President-elect Barack Obama

Maging ang mga Pilipino ay todo ang naging pagbubunyi sa pagkakapanalo ni Barack Obama, ang magiging kaunaunahang Afro-American US president.

Natuwa ang maraming mga Pilipino — na ang buhay at kasaysayan ay di na yata maihihiwalay kailanman sa Amerika — sa pagkakapanalo ni Obama. Sa Internet, may mga Pinoy blogger na tuluy-tuloy ang pagsusulat tungkol sa US elections, iisipin mong rehistradong US voters sila.

Sabagay, pagbabago kasi ang pangako ni Obama. Gaya ng mga Kano, umaasa ang mga Pilipinong babaguhin ni Obama ang mga patakaran ng kanyang papalitan — si George W. Bush, na wari’y idolo ni Gloria Macapagal-Arroyo, ang pangulo ng Pilipinas.

Sa gitna ng pagtutol ng napakaraming mga Pilipino, sinuportahan ni Arroyo ang giyera ni Bush sa Iraq. Medyo nag-lie low lang siya noong 2004 nang kidnapin sa may Iraq at pagbantaang pupugutan ng ulo ng Islamic militants si Angelo dela Cruz, isang OFW. Dahil sa takot na lumaki ang mga protesta laban sa kanyang gobyernong sinisi ng mga tao sa nangyari, napilitan si Arroyo na pauwiin ang mga sundalong Pinoy na nasa Iraq.

Marami pang mga pagkakahawig ang gobyernong Bush at Arroyo, lalo na sa mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao. Kung paanong sukang-suka na ang mga Kano kay Bush at sa kanyang partido, kalahati ng mga Pilipino ay wala nang tiwala kay Arroyo at pikon na sa mga kaalyado niya. Sa isip siguro ng marami, ang pagkatalo ng kapartido ni Bush ay para na ring pagkatalo ng mga alipores ni Arroyo.

At dahil din sa tagumpay ni Obama, marami nang mga pulitikong Pinoy ang nagtatangkang gayahin siya. Lahat sila’y gustong maging Pinoy Obama. Ngunit para sa akin, ang tagumpay na gaya ng kay Obama ay magiging makabuluhan lamang sa Pilipinas kung ito’y mararanasan ng isang hindi galing sa linya ng mga traditional politician. Mas maihahambing ang pagkakapanalo ni Obama sa pagwawagi ni Among Ed Panlilio laban sa mga malalaking pulitiko sa Pampanga. Kapwa sila nangako ng pagbabago at iniluklok ng mga botanteng nagkaisa at naniwalang kaya nilang magwagi.

Ngunit higit sa paghahanap ng Pinoy Obama, sabi nga ng kaibigan kong si Mong Palatino, “it should make Filipinos remember that they were once the ‘Obamas’ who taught the world to affirm the principles of democracy. They once took the global center stage for valiantly fighting a corrupt and despotic government. Filipinos have already proven that they are capable of inspiring great political ideas and actions around the world.”

Ang EDSA People Power 1 ang tinutukoy ni Mong, na naging inspirasyon sa buong mundo. Sana nga, sa inspirasyon ni Obama, maulit natin ang People Power — this time, gawin natin ito sa  loob ng proseso ng eleksyon. At sana’y maganap ito hindi lamang sa isang lalawigan gaya ng Pampanga — di nga ba’t ang panalo ni Among Ed ay tinawag ding Pampanga’s People Power? — kundi sa buong bansa.

(Pinoy Gazette)

Ang pagbabalik ni Joc-Joc
“Si Ricaforte…  nahihirapan sumagot

Sobra na ang arte…  takot siyang malagot

Huling-huli…  huling-huli

Inatake inatake si Ricaforte”

Lyrics yan ng kantang “Huling-huli” ng Ousters Band na sumikat noong kainitan ng resign-impeach-oust movement laban kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. Si Ricaforte ay si Yolanda Ricaforte, na sinasabing auditor daw ng jueteng money noon ni Erap. Kung tama ang pagkakaalala ko, nahirapang humarap sa Senado si Ricaforte dahil inaatake siya ng kanyang sakit. Natatawa nga ang isang kaibigan ko sa eksena nang dumating si Ricaforte noon: Iniinterview raw siya habang naka-wheelchair, may katabing nurse, at ipinapa-stethoscope pa ang dibdib niya.

Kaya naman nang dumating si Joc-Joc Bolante nitong huling linggo ng Oktubre matapos siyang ipa-deport ng US at nakita kong naka-wheelchair siya’t laging nakahawak sa dibdib, naalala ko talaga si Ricaforte at ang kanta ng Ousters Band.

Si Bolante, dating undersecretary ng Department of Agriculture (DA), ay ang sinasabing mastermind ng pagda-divert ng pondo para sa abono ng mga magsasaka patungo sa kampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

Tumalilis siya palabas ng bansa upang makaiwas sa imbestigasyon noon ng Senado sa fertilizer scam. Nanghingi siya ng asylum sa US pero na-deny kaya ipinatapon siya pabalik dito. May rekomendasyon na ang Senado sa Ombudsman na sampahan siya at iba pang dating opisyal na DA ng kasong graft, pero mukhang busy pa ang Ombudsman.

Pagdating ni Joc-Joc sa Pilipinas, isinugod siya sa St. Luke’s Medical Center dahil daw sa pananakit ng dibdib. May problema raw sa puso at blood vessels si Bolante. Binabantayan siya ngayon ng seargeant-at-arms ng Senado — na noo’y natakasan niya.

Hindi ba kakatwa na ang mga taong katulad nila na tumatakas para maiwasang makapagpaliwanag sa publiko tungkol sa mga pambansang eskandalong kanilang kinasangkutan ay parang mga kawawa at inaping nilalang kapag nakorner na at nakabalik sa Pilipinas? Paglapag na paglapag ng eraplano nila sa bansa, sa hospital sila tumutuloy. Kalusugan na ang bagong dahilan para matakasan o maantala ang kanilang pagkanta.

Sabagay, hindi na talaga bago ang ganyan. Si Erap nga, matagal ding na-hospital arrest habang naka-pending ang kaso niyang plunder. Nang lumabas sa hospital, sa rest house naman siya “ikinulong.” At nang finally ay nahatulan nang guilty sa pandarambong, pinatawad ni Gloria kahit di nagsisisi.

Sa kaso ni Joc-joc, sana lang, ngayong nakabalik na siya’t huling-huli na, paglabas niya sa ospital ay huwag na siyang pabayaang muling makasibat. Malaking halaga ang may 728 milyong pisong fertilizer fund na kailangan niyang isulit.

(Pinoy Gazette)

Pag-ahon
Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.

Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,” ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.

Ang masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino ay hindi hiwalay na karanasan, at ito ay may pangkasaysayang pinagmulang dapat nating alamin at pag-aralan.

Makabubuti kung pag-iisipan kung bakit may mga nakatira sa ilalim ng tulay samantalang may mga taong kung maglakbay sa mundo ay parang nagkakatuwaan lang (”Pick a country, Malou!”). Makatutulong kung susubukang unawain kung bakit habang may mga magsasakang walang sariling lupa, may mga mayayamang asyenderong humahawak pa ng matataas na posisyon sa gobyerno.

Maraming paraan upang pag-aralan ang kahirapan at maghanap na solusyon upang ito’y maging bahagi na lamang ng kasaysayan balang araw. Makatutulong ang pagbabasa ng mga aklat at dokumentong isinulat mula sa pananaw ng masa.

Sa paaralan at komunidad, maraming mga samahang puwedeng salihan. Kung nabubulol ka sa mga katagang “imperyalismo, buruktrata-kapitalismo at piyudalismo” sa chikahan ng mga aktibista, o feeling mo’y uusok ka kapag pumasok ka sa simbahan para makipagdiskusyon sa mga relihiyosong lingkod ng bayan, maaari mong ipakita ang iyong pakikisangkot sa pagkikipag-rock-rakan para edukasyon, o pagtula, o sa pagsusulat at pagpapahayag ng iyong tinig.

Maaari kang tumulong sa mga grupong naggagawad ng kalinga at bumubuo ng mga tahanan at komunidad ng mga mahihirap. O kung medyo rich kid ka naman, alam mo bang kahit ang pagbili ng tamang iPod at iba pang gadgets ay maaaring makatulong na lunasan ang kahirapan sa mundo?

Kahit nga ang pagsusulong sa bagong pulika at pagsuporta sa malilinis na kandidato tuwing eleksyon ay makatutulong na lunasan ang kahirapan. Ang perang maaaring mawala sana sa katiwalian ay magagamit na pondo sa mga serbisyong panlipunan gaya ng kalusugan edukasyon. Sa ganito nagiging people power ang eleksyon.

Ang pag-ahon mula sa kahirapan ay hindi dapat maging pansariling gawain lamang. Isa itong adhikaing mas maabot kung dadaanin sa bayanihan.

Kapag hindi mo iniwasan ang mga pagkakataong masuri at mapag-aralan ang mga ugat ng kahirapan, mas gaganahan kang makipagbuklod sa iba upang humanap ng solusyon at mag-ambag nang kaunti base sa iyong kakayanan.

Ang iyong pagsisipag sa pag-aaral upang makaahon ay hindi magiging tulak ng pansariling ambisyon lamang. Sa halip, bawat pagsisikap mo’y magiging inspirasyon ang hangaring makatulong na buong bansa’y makabangon.

(Ito ang ambag ko sa Global Blog Action Day on Poverty.)

Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino
“In exchange for a smattering of English, we yielded our souls.”

– Renato Constantino, The Miseducation of the Filipino

Binitawan kamakailan ni Binibining Pilipinas-World Janina San Miguel ang kanyang korona dahil daw sa ilang personal na dahilan. Dati nang may mga nagpetisyon sa Internet na palitan siya bilang kinatawan ng bansa sa Miss World dahil sa kakulangan niya ng kakayahang mag-English. Naging sikat pa nga sa YouTube ang video ng kanyang sagot sa question and answer portion ng beauty pageant.

Para sa maraming Pilipino, tila bukod sa boksing ay mga patimpalak ng kagandahan na lang yata — at ang husay sa pagsasalita sa English — ang pag-asa ng bansang ito.

Sa kabila ng payong mag-Tagalog na lamang, pinilit ni Janina na magsalita sa wikang banyaga. Sa isipan ng maraming Pilipino, isang maipagmamalaking kakayahan ang makapag-English. Kapag may gusto tayong i-impress o kaya’y sindakin, nag-i-English tayo. Nang minsang bumiyahe kami ng pinsan ko, di namin alam na may nakapuwesto na pala sa inupuan namin sa bus. Pagdating ng mga nakaupo roon, bumanat ang babae ng, “Excuse me, that seat is taken.” Medyo nagulat ako, pero napa-English na rin ako.

Ang nangyari kay Janina ay nakapagpaalala ng sarili kong karanasan. Pagkatapos ng People Power 2, may may mga foreigner na nag-interview sa akin dahil sa artikulo kong Tinig ng Generation Txt. Puwede naman daw akong mag-Filipino. Pero binanatan ko pa rin ng English. Semplang tuloy ako — awkward na sa harap ng kamera, baluktot pa ang dila.

Ngunit bakit nga ba gustung-gusto nating mag-English-an kahit tayu-tayo lang naman? Nakakaintindi naman ang karamihan sa atin ng Tagalog (o Bisaya, o Kapampangan, o Ilokano), pero bakit ang mga programang puro Pilipino ang dumadalo ay kailangang gawin sa English?

Malalim ang ugat ng ganitong gawi. Nang sakupin tayo ng mga Amerikano, ginamit nila ang edukasyon para sakupin di lamang ang ating bansa, kundi pati ang ating puso at isipan. Tinuruan nila tayo ng kanilang wika. At sa proseso, tinuran nila tayong maging kopya nila. Ayon nga kay Renato Constantino:

“English became the wedge that separated the Filipinos from their past and later to separate educated Filipinos from the masses of their countrymen. English introduced the Filipinos to a strange, new world. With American textbooks, Filipinos started learning not only a new language but also a new way of life, alien to their traditions and yet a caricature of their model. This was the beginning of their education. At the same time, it was the beginning of their mis-education, for they learned no longer as Filipinos but as colonials.”

May isang dantaon na ang nakalilipas, pero kitang-kita pa ang bakas ng pagiging kolonyal na ito. Di lamang sa wika o pananalita, kundi sa ating mga pinanonood, kinakain, iniidolo. Naging kakaiba — at kadalasa’y katawawa — ang sariling atin, at dakila ang sa dayuhan, lalo na para sa mga taong edukado.

Naging katawa-tawa para sa atin si Janina. Bobo raw siya, wika ng ilan. Ngunit ang ganoong panunuya ay bumabalik sa nagtuturo. Sapagkat di ba’t kabobohan din ang pag-iisip na ang katalinuhan ng isang tao ay masusukat sa wikang kaya niyang bigkasin. Hindi lamang kabobohan ang ganitong pag-iisip, kundi tanda rin ng misedukasyon.

(Ang artikulong ito ay medyo binagong version ng isang entry ko sa www.edericeder.com.)

Desperado
Ang taong desperado, ibebenta ang sarili.

Ganyan ang naisip ko nang mabasa ko ang tungkol sa House Resolution No. 737 na isinusulong ni Speaker Prospero Nograles at pinirmahan na raw ng mahigit na sandaang mambabatas sa mababang kapulungan.

Nais ng House Resolution 737 na baguhin ang Seksyon 2 at 3 of Artikulo 12 ng Konstitution upang payagan ang mga dayuhang korporasyon at asosasyon na makabili ng pampubliko o pribadong lupaing maililipat (alienable public and private lands).

Sabi ni Nograles, isinusulong niya ang House Resolution 737 dahil sa kanyang “frustration” sa paghahanap ng mga solusyong magwawakas sa apat na dekadang armadong sagupaan sa ilang bahagi ng Mindanao.

“Many people are poor in Mindanao because of the insurgency problem and we have an insurgency problem because there are no investments coming in to help the poor. We have been trapped in this kind of situation for a long time now and there’s nothing we can do about it just because of two particular provisions in the Constitution,” ani Nograles.

Kung papasok daw ang mga investment ng mga Arabo, magkakaroon ng mas maraming negosyo sa rehiyon. Pero dahil daw sa pagbabawal sa Konstitusyon hindi nai-enganyo ang mga mamumuhunan.

Itinatadhana ng Konstitusyon ang 60%-40% na hatian sa pagitan ng mga Pilipino at mga dayuhan sa pag-aari ng mga kumpanyang gagamit sa mga likas na yaman ng bansa. Hindi rin puwedeng bumili ng mga lupaing maaaring ariin ang mga dayuhan.

Matagal nang inaatake ng mga dayuhang negosyante at maging mga Pilipinong ekonomista at mga taong-gobyerno ang patakarang ito sa ating Saligang Batas. Itong panukala ni Nograles ay pinakahuli lamang sa mga atakeng ito.

Ngunit inilagay sa ating Konstitusyon ang mga proteksyong iyan upang pangalagaan ang ating pambansang patrimonya at ang kapakanan ng mga mamamayan. Bilang isang bansang ilang dantaong napasailalim sa at pinagpasasaan ng mga dayuhang mananakop, kailangan ang ganitong probisyon upang makatiyak na di tayo malalagay sa panganib ng walang habas na pagsasamantala.

Sabi nga ng makabayang dating senador na si Wigberto Tañada, ang mga bansang Vietnam, India at China ay di rin nagbibigay sa mga dayuhan ng karapatang magmay-ari ng lupain upang protektahan ang kanilang mga mamamayan.

At  bakit di nila tingnan ang iba pang dahilan ng kahirapan? Bakit di nila pag-aralan, halimbawa, kung ano ang epekto ng katiwalian sa pamahalaan — sa pambansa at lokal na pamahalaan — sa kahirapang nararamdaman ng mga taga-Mindanao at ng buong bansa?

Bakit kaya ang Konstitusyon na naman ang pinagdidiskitahan nina Nograles?

(Pinoy Gazette)

Time travel
Minsang magsulat ako tungkol sa isang sentimental na bakasyon, ganito ko ito winakasan: “Bakit hindi maaaring bitbitin ang magagandang tao at bagay sa buhay ko ngayon, at isama sila pabalik sa nakalipas na ipinaaalala ng lahat ng ito?” Sino ba ang ayaw makabalik sa nakalipas? May mga naganap sa ating buhay na nais nating balikan at muling maranasan. Mayroon din namang kung maaari ay nais nating baguhin.

Isang television drama mula sa Japan, ang Proposal Daisakusen, ang kamakailan ay pinanood namin ng kasintahan ko. Nakakaadik kaya’t pinagpuyatan namin ang kuwentong ito tungkol kay Iwase Ken (Yamashita Tomohisa), isang lalaking ilang ulit na bumalik sa panahon upang makamit ang pag-ibig ni Yoshida Rei (Nagasawa Masami), ang matalik na kaibigang lihim niyang itinatangi.

Sa araw ng kasal ni Rei, habang ipinapalabas ang slideshow ng mga larawan ay naging masidhi ang pagnanais ni Ken na balikan ang mga eksenang naaalala niya. Sa tulong ng isang fairy ay nagawa niya ito. Sa kanyang binalikang panahon ay sinikap niyang baguhin ang kasalukuyan upang di matuloy ang kasalan. Ilang ulit siyang nabigyan ng pagkakataong gawin ito. At kung nagtagumpay man siya o hindi, panoorin na lang ninyo.

Ngunit sa totoong buhay, hindi ito maaaring mangyari. Walang mga fairy — kung meron man, hindi sila nagpaparamdam, o kaya’y mga ibang klaseng fairy sila. Wala pa ring naiimbentong time machine, at sa palabas lang na Shaider gumagana ang time-space warp.

Ngunit noong ika-30 ng Agosto sa Pilipinas, libu-libong tagahanga ng bandang Eraserheads ang nagkaroon ng pagkakataong makabalik — di man literal — sa nakaraan. Ang Eraserheads, na binubuo ng mga taga-UP na sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala and Raimund Marasigan ay ang pinakasikat na bandang Pinoy noong dekada 90. Ang kanilang mga kanta ay naging soundtrack ng ilang bahagi ng buhay ng maraming Pilipino — kabilang na ako. Naghiwa-hiwalay sila ilang taon na ang nakalilipas, at mula noo’y naging hilling na ng mga tagahanga ang muli nilang pagsasama-sama. Sa gitna ng bakbakan sa Mindanao, at pagkatapos ng kontrobersiya tungkol isang kumpanya ng sigarilyo na unang nag-organize ng concert, at kahit pumanaw ang ina ni Ely, natuloy pa rin ang Eraserheads reunion concert.

Sa gabing iyon, mahigit 20,000 ang dumalo sa concert na ginawa sa Fort Bonifacio Global City open field sa Taguig. Nang sa wakas ay lumitaw ang apat na miyembro ng Eraserheads na muling magkakasama sa isang entablado at nagsimulang tumugtog ng “Alapaap,” ang kanilang musika’y sumundo sa napakalakas na agos ng mga alaala ng mga naroroon. Sa isang iglap, bumalik sila sa 1990s, sa panahon ng college life o maagang kabataan ng mga naroon, noong buo at magkakasama pa ang Eraserheads at ang kanilang mga kanta ang nangingibabaw sa himpapawid. Pansamantalang humalo ang nakaraan sa kasalukuyan.

Ngunit naputol ang nostalgia nang matapos ang concert pagkatapos ng labinlimang kanta. Isinugod si Ely sa ospital matapos mag-collapse dahil sa sobrang pagod.

Sadya nga yatang imposibleng balikan ang nakaraan. At kung makabalik man tayo nang sansaglit, agad din tayong hihigupin ng kasalukuyan.

(Pinoy Gazette)

Bangsamoro
Isang araw bago ang nakatakdang pirmahan sa Malaysia ng isang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front, kumilos ang Kataastaasang Hukuman upang ipahinto ito.

Ang kasunduan, na ang buong pamagat ay “Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain Aspect of the GRP-MILF Tripoli Agreement on Peace of 2001″ ay kumikilala sa karapatan ng mga Bangsamoro na magkaroon ng sariling teritoryo at sariling pamahalaan. Palalawakin nito ang nasasakupan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao upang buuin ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE).

Kapag binabanggit ang salitang Moro, ang karaniwang kahulugang alam natin ay mga Pilipinong Muslim sa Mindanao. Ngunit kapag tinanong ang mga Moro, marami sa kanila ang nagsasabing hindi sila Pilipino. Bagamat nananahan sa teritoryong kinikilala ng daigdig bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas, para sa kanila’y hindi sila bahagi ng lahing Pilipino. Ang bansa ng mga Moro, bagamat malayang umiiral na sa kanilang mga puso, ay kasalukuyang nakakulong sa teritoryo ng Pilipinas at isisilang pa lamang sa pandaigdigang mapa bilang bunga ng kanilang patuloy na pakikibaka. (Ang salitang Bangsamoro ay tumutukoy sa bayang ito at sa mga mamamayan nito.)

Di nga kasi, bagamat ang halos buong Pilipinas ay napasailalim sa mga mananakop, ang mga mamamayang Bangsamoro ay nanatiling may sariling pamamahala. Mahigpit nilang tinutulan ang pagkakasali ng kanilang lupain noong pormal nang binubuo ang bansang Pilipinas, ngunit hindi pinakinggan ng mga maykapangyarihan sa Maynila at sa Washington DC ang kanilang pagtutol.

Kaya naman sa MOA sa pagitan ng MILF at Pilipinas, kinikilala ang mga Bangsamoro bilang mga orihinal na mamamayan ng Mindanao at mga kalapit nitong pulo noong panahon ng pananakop, kabilang ang kanilang mga kaanak-anakan, gayundin ang mga Lumad. Kinikilala ng kasunduan ang kanilang karapatan sa lupain ng Mindanao, at ang kanilang karapatang pamahalaan ang sarili.

Sa kasalukuyang sitwasyon, kaganapan ng inaasam nilang sariling pamamahala ay ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na bunga naman ng naunang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front. Sa pagpapalawak ng teritoryo ng ARMM upang mabuo ang BJE, wari’y lumalapit ang pagsasarili ng Bangsamoro.

Ngunit may mga lider at mamamayan ng mga lugar na binanggit sa MOA na maaaring maisama sa BJE na tutol sa kasunduan. Ayaw nilang maging bahagi ng BJE ang kanilang lugar. At upang marinig din naman ang kanilang panig, ipinahinto muna ng Korte Suprema ang pirmahan ng kasunduan.

Samantala, tila binuo ng mga sumulat ng kasunduan ang plano ng BJE nang hindi isinasaalang-alang ang Saligang Batas ng Pilipinas. Sa Konstitusyon kasi natin, ang binabanggit lamang ay ang pagbubuo ng autonomous region sa Mindanao (at Cordillera), ngunit ang BJE ay may mas malawak na kapangyarihan na maaaring higit sa ipinagkakaloob ng kasalukuyang Konstitusyon.

Kaya naman muli nating naririnig ang panawagan ng mga opisyal ng pamahalaan para sa pagbabago ng Saligang Batas. Biglang nagpahayag ng suporta ang Malacanang sa isang resolusyon sa Senado na nagsusulong ng charter change upang ang Pilipinas ay gawing isang Federal Republic gaya ng Estados Unidos. Sa ilalim ng isang bagong saligang batas at pederalismong anyo ng pamahalaan, hindi magiging mahirap ang pagsasakatuparan sa BJE.

Ngunit dahil sa track record ng administrasyong nagsusulong sa charter change upang bigyang daan ang BJE, mahirap magtiwalang ang pakikiayon dito ay talagang magbibigay ng higit na awtonomiya — at maaaring sa hinahanap, ganap na kalayaan — para sa Bangsamoro.

(Pinoy Gazette)

Lokohan
Masigabong palakpakan ang isinalubong ng mga alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga sinabi sa State of the Nation Address (SONA) sa House of Representatives noong Hulyo 28, 2008. Ganado naman si Arroyo, na sadyang tumitigil sa pagsasalita pagkatapos ng halos bawat talata upang bigyang-daan ang palakpakan ng kanyang mga kaibigang mambabatas.

At kahit kadalasa’y duda sa mga pinagsasasabi ni Arroyo, siguradong ang bawat text addict na gaya ko ay nagising sa bahaging ito ng kanyang SONA: “Texting is a way of life. I asked the telecoms to cut the cost of messages between networks. They responded. It is now down to 50 centavos.”

Asteeg, di ba? Ang isang text na dati’y piso, 50 sentimo na lang! Kapag ganitong lahat ay nagtitipid, okay ito. Pero ang totoo, nagoyo lang tayo. Nang araw ring iyon, nalaman ng publiko na promo lang pala ng Smart, Globe, at Sun Cellular ang bagong rates. Kailangan pang mag-register na parang sa unlimited text. Bukod pa riyan, tatlong buwan lang tatagal ang promo.

Hirit tuloy ng TXTPower, na kinabibilangan ko: “… President Arroyo and her administration should be held accountable for willfully and knowingly deceiving the public.” Nang nagkabistuhan na, sinabi ni Sec. Cerge Remonde, head ng Presidential Management Staff, na di raw pala alam ni Arroyo na promo lang ang price cut na inianunsiyo niya. Palusot man iyan o hindi, mananatili ang pakiramdam ng mga texter na naloko tayo ng Pangulo.

Sabagay, di na bago ang ganyan. lang ulit na tayong harapan at diretsahang inisahan ng presidente natin. May naaalala akong dalawang malakihang pambibilog ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ating ulo: noong Disyembre 30, 2002 — Rizal Day — nang puno ng dramang sabihin niyang di na siya tatakbong pangulo sa halalang 2004, at noong pagkatapos marinig ang kanyang boses sa Hello Garci tapes.

Gamit ang pangalan ni Dr. Rizal, humirit siya nang ganito noong 2002: “As we honor Jose Rizal today, it is fitting that I ask each Filipino to make also sacrifice for our country. Our country needs our help.” At pagkatapos ay inilarawan ay ayon sa kanya’y kasalukuyang kalagayan ng bansa, saka niya inianunsiyong: “In view of all these factors, I have decided not to run for President during the election of 2004.” Paliwanag pa niya, kung tatakbo pa rin daw siya, ang mga magiging aksyon niya’y magdudulot lamang ng walang katapusang pagkakahati-hati. Dahil sa sinabi niyang iyon, ginawa pa siyang Person of the Year ng Philippine Daily Inquirer.

Pero alam na natin ang nangyari. Tumakbo siya, at nang-Garci at nan-Joc-joc pa nga! Ang narinig nating sinasabi ng babaeng pinaniniwalaang si Arroyo sa lalaking sinasabing si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa Hello Garci tapes: “So will I still lead by more than one M, overall?”

Sa isang pang usapan nila, ganito naman ang sabi ni Garci: “Hindi nagmamatch? May posibilidad na hindi mag-match kung hindi nila sinunod ‘yung  individual SOV ng mga munisipyo. Pero aywan ko lang ho kung sa atin pabor o hindi. Kasi doon naman sa Basilan at Lanao Sur, itong ginawa nilang pagpataas sa inyo, hindi naman ho kwan, maayos naman ang paggawa eh.”

Nang humingi si Arroyo ng sorry sa bayan dahil sa eskandalong iyan, sabi niya’y pinoprotektahan lamang daw niya ang kanyang boto!

(Pinoy Gazette)

Pagkakitaan ang mga bisyo, di ang langis
Sa gitna ng magkasunod na krisis sa bigas at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, nagmamatigas ang gobyerno na hindi dapat tanggalin ang value added tax (VAT) na pasanin kung ituring ng maraming Pilipino. Bakit di na lang pagbigyan ang hiling ng mga mamamayan? Sa halip, yosi at iba pang bisyo ang pagkakitaan?

Habang humahaba ang pila sa mga bigasan ng National Food Authority, halos walang patid naman ang lingguhang pag-akyat ng presyo ng gasolina. Tumaas ang pasahe at tumataas na rin ang presyo ng mga bilihin. Walang magawa ang mga tao kundi maghigpit ng sinturon. Ang iba’y umaasang maambunan ng mga patak ng grasyang ipinamimigay ni Pangulong Arroyo.

Nagkukumahog ang pamahalaan sa pagsisikap na pansamantalang maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan at sa gayo’y mailigtas ang trono ng pagkapangulo ni Arroyo, na nais nang pababain ng marami mula pa noong pumutok ang kontrobersiya ng Hello Garci. Namimigay ang gobyerno ng family access card sa murang bigas, P500 subsidy sa kuryente, at iba pa. Ngunit hanggang saan ba aaabot ang tapal na kapirasong tela kung ang  pagdurugo’y di maampat-ampat?

Nitong Hulyo 18, libu-libong mga kabataan ang nag-walkout sa kanilang mga klase at nag-rally sa Maynila upang hingin ang pagtatanggal sa VAT sa langis, pagpapawalang-bisa sa oil deregulation law, at pagpapasa sa P125 across-the-board na pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa.

Maging ang ilang senador gaya nina Mar Roxas (Liberal Party) at Chiz Escudero (Nationalist People’s Coalition) ay gusto ring tanggalin ang VAT sa langis. Ayon kay Roxas: “Pinalalabas na nakasalalay sa VAT sa langis ang silbi ng gobyerno, na kapag nawala ito ay wala na silang magagawa. Samantala, hindi pa naman nalulubos ang iba pang paraan para magkaroon ng dagdag na pondo ang gobyerno para sa mga programa nito.”

Kabilang sa mga tinukoy ni Roxas na dapat tingnan ay ang Kilos Asenso Fund at iba pang mala-pork barrel na pondong kadalasa’y naibibigay sa mga lokal na opisyal na kaalyado ng administrasyon.

Samantala, bakit hindi sa halip na ang VAT na dumaragdag sa pahirap sa mamamayan ang pagkunan ng gobyerno ng mga pondong ginagamit sa pamimigay ng pansamantalang ginhawa ay ang mga bisyong gaya ng yosi ang patawan ng napakataas na buwis?

P40 ang isang kaha ngayon ng sigarilyo. Bakit hindi ito patawan ng mas mataas na buwis? Dagdagan pa ang itinakda na ng Republic Act 9334 o sin tax law. Bakit di gawing doble o triple ang presyo nito? Baka kayanin din nito ang P80 bilyon kada taong kikitain daw sa VAT sa pinanghihinayangan ni Arroyo.

Sa halip na ang langis, na mahalagang bahagi ng buhay ng mga Pilipino, mas dapat buwisan nang malaki ang mga bisyong gaya ng alak at sigarilyo.

Kung gusto ng mga taong sunugin ang kanilang baga at sirain ang kanilang atay, dapat nila itong pagbayaran ng mahal — literally at figuratively.

Kung di man maging patok ang  ganitong panukala — halimbawa’y di kumita ang gobyerno sa buwis dahil bumaba ang benta at pagkonsumo ng yosi at mga nakalalasing na inumin, kahit paano’y maaaring mababawasan ang gastusin at asikasuhin ng pamahalaan sa kalusugan ng mga mamamayan.

(Pinoy Gazette)

Paulit-ulit na mga eksena ng trahedya
Ang bawat palahaw at hiyaw ng dalamhati, ang walang humpay na agos luhang sing-alat ng tubig sa dagat na kumitil sa buhay ng kanilang asawa, anak, kaanak, kaibigan, o kakilala — parang mga eksena sa pelikula na ulit lang nang ulit. Ganito ang pananaw ko sa mga pangyayaring nakukunan ng kamera ng mga taga-media sa tuwing may sakuna sa dagat.

Labintatlong taon na ang nakalilipas, buhay ng sarili kong ina ang kinuha ng dagat nang masunog at lumubog ang M/V Viva Antipolo VII sa pagitan ng Lucena at Marinduque. Kasama niyang pumanaw ang may mahigit 60 pang kababayan namin.

Sabi ko nga sa aking blog: “Pamilyar sa akin ang pagkapagal, ang kawalan ng katiyakan at kawalan ng pag-asa, at ang sa huli’y napakasakit na pagharap sa katotohanan ng kanilang paglisan. Ang bawat palahaw ay tila sarili kong sigaw ng pighati; ang bawat hikbi ay sarili kong hagulgol.”

Ang paglubog ng barkong M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines dahil sa bagyong Frank ay replay na naman ng mapapait na mga eksenang paulit-ulit na nating nasaksihan. Mahigit 800 katao ang laman ng MV Princess of the Stars nang bumaligtad ito sa dagat sa may Romblon. Sa pinakahuling tala, 300 katawan ng mga namatay na ang nakuha, samantalang 56 pa lamang ang naitalang nakaligtas.

Ngunit bakit kailangang paulit-ulit nating makita ang mga eksenang ganito? Di ba’t sa isang bansang binubuo ng mga pulo, ang kaligtasan sa paglalakbay sa dagat ay dapat maging pangunahing pinagkakaabalahan ng mga kinauukulan?

Base sa aking karanasan sa madalas din namang paglalakbay papunta at paalis sa aming islang lalawigan ng Marinduque, tila may kulang sa mga regulasyong ipinatutupad ng pamahalaan. Kung hindi man, hindi siguro wasto ang pagpapatupad ng mga umiiral na panuntunan.

Akala ko, pagkatapos ng paglubog at pagpatay ng M/V Viva Antipolo sa aking ina at sa marami pa naming mga kababayan, magiging maginhawa at higit sa lahat ay ligtas na ang aming paglalakbay sa dagat. Ngunit hanggang sa ngayon, ang mga barkong bumibyahe sa aming probinsya ay kapansin-pansing nagsasakay pa rin ng higit sa kaya nito. Para bang dyip na hangga’t may maiipit, may isisiksik. May pagkakataon pa ngang siningil kami ng pamasahe para sa aircon, pero naisiksik kami sa mainit na lugar sa tapat ng makina sa dulo ng lantsa.

Samantala, pagkatapos ng maraming mga sakuna sa dagat (49 ang naitala ng GMA News Research mula noong 1980), aakalain mong ang mga may-ari ng mga sasakyang pandagat ay gagawin ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang crew at pasahero. Ngunit tila hindi ganito.

Tingnan ang Sulpicio Lines. Ito ang may-ari ng M/V Princess of the Stars at apat pang ibang barkong naaksidente na rin sa dagat, na kinabibilangan ng M/V Dona Paz — na ang pakikipagbanggaan sa M/T Vector noong 1987 ay itinuturing na pinakamalalang trahedya sa dagat sa panahong walang digmaan.

Sa pagdinig ng Board of Marine Inquiry, lumabas na pumalaot ang M/V Princess of the Stars nang hindi pinuno ng tubig ang ballast tank, na nagsisilbing pambalanse ng barko sa malalaking alon. Ginawa raw ito upang makapagsakay ng mas maraming cargo — at siyempre, para mas lumaki ang kita.

At sa kabila ng paninisi at pagsasampa ng kaso ng Sulpicio Lines sa Philippines Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services, na pinagtawanan lamang nitong huli, lumalabas na lumakad ang barko kahit alam na ng kapitan na may parating na bagyo.

Mukhang marami pang dapat gawin ang pamahalaan at kailangan pang makonsensya ng mga may-ari ng barko bago natin tuluyang malimutan at di na muling makita ang mga paulit-ulit na eksena ng trahedya.

(Pinoy Gazette)